back icon

Dambana


Mga Organisasyon ng BulSU - Meneses Campus, Naglungsad ng Outreach sa Lungsod ng Malolos at Bayan ng Bulakan at Leadership Seminar

Published: Abril 23, 2025 | Category: Community News


News Image

Naganap noong Lunes, ika-21 ng Abril, ang isang makabuluhang Outreach at Leadership Seminar na pinangunahan ng iba’t ibang organisasyon, grupo, at publikasyon ng Bulacan State University – Meneses Campus. Ito’y sa pangunguna ng Office of the Student Development Services, at sa pagtutulungan ng Office of the Student Organization at Dambana Publication. Kasama ang ilan sa myembro ng organisasyon, publikasyon, maging ang kanilang mga gurong taga-payo at ilan sa binubuo ng mga kaguruan sa BulSU-Meneses Campus ay nakilahok sa nasabing programa. Una sa kanilang listahan ay ang Museyo sa Nuestra Señora dela Asuncion na matatagpuan sa bayan ng Bulakan, Bulacan kung saan nakatago ang mga biblya, kasuotan, mga gamit, at iba’t ibang mga pigura ng mga santo na ginagamit sa simbahan. Matapos nito ay agad na nagtungo sakay ng kanilang sasakyan ang mga lider-estudyante sa EMMAUS hose of apostolate, isang tahanan para sa mga matatandang inabandona at kinupkop mula sa lansangan. Nasaksihan at nakadaupang palad ng mga mag-aaral ang mga mataandang nakatira rito. And kanilang mga kwento ay punong puno ng pangarap, pag-asa at masasakit na istorya kung paano sila nakarating sa bahay na ito. Mula roon ay nagtungo ang grupo sa Tanglaw Pag-asa, isang pasilidad para sa mga Children in Conflict with the Law (CICL) na matatagpuan sa Bulihan, Malolos, malapit sa Bulacan Polytechnic College. Layunin ng institusyong ito na bigyan ng bagong pagkakataon sa buhay ang mga kabataan upang makapagsimula muli at makaiwas sa karahasan o krimen. Mahipit ang seguridad at limitado lamang ang maaaring makapasok. Para sa huling destinasyon, nagtungo naman ang mga kasama sa Museyo ng Hiyas ng Bulacan na matatagpuan sa Kapitolyo ng Malolos. Makikita rito ang iba’t ibang larawan ng mga dating naging gobernadora ng probinsya, mga natatanging ipinagmmalaki ng Bulacan, ang mga bayan na nakapaloob dito at marami pang iba. Matapos ang paglalakbay, nagtungo ang grupo sa BulSU E-Library para sa ikalawang bahagi ng programa. Bago ito ay nagsalo muna sa isang masayang kainan at pagtitipon ang mga miyembro ng iba’t ibang organisasyon.

Leave a Comment

Comments