3rd Psychology Pinning & Candle Lighting Ceremony-PANAKAYON 2025: Pagsulong sa Larangan ng Sikolohiya Tungon sa Mas Malalim na Pag-unawa at Paglilingkod.
Published: Mayo 05, 2025 | Category: Education
Panakayon- Isang salitang Hiligaynon na nangangahulugang paglalayag sa malawak na karagatan. Kaakibat nito ang simbolismong kinakatawan ng pinning ceremony—ang paghahanda ng mga estudyante para sa kanilang paglalayag sa tunay na mundo.
Isinagawa ang ikatlong pinning ceremony na may temang: “Pagsulong sa Larangan ng Sikolohiya Tungo sa Mas Malalim na Pag-unawa at Paglilingkod.” Ginanap ito sa Valencia Hall ng Main Campus ngayong ika-5 ng Mayo, 2025. Dinaluhan ito ng mga estudyante ng Sikolohiya mula sa Kolehiyo ng Agham at Pilosopiya, pati na rin ng mga mag-aaral mula sa San Rafael Campus.
Pinangunahan ni Binibining Jennylou B. Dela Rosa, RPsy, RPm, CHRA, M.Sc., ang pagbibigay ng mga salitang nagpasiklab sa damdamin ng bawat isa. “Takot na may katuwang na pagpupursigi,”—ito ang iniwang kataga ng minamahal na tagapagsalita. Alalahanin natin ang dahilan kung bakit tayo narito sa kursong ating pinili. Bilang mga iskolar ng bayan, tungkulin nating ibalik ang ating serbisyo sa sambayanan. Subalit, taglay rin natin ang kalayaang pumili ng landas na nais nating tahakin.
Sa mga iskolar ng bayan na isasakatuparan ang kani-kaniyang kaalaman sa larangan ng Sikolohiya, pinapatunayan ng inyong mga pin na kinaya ninyo—at kakayanin pa ninyo—ang anumang hamon na inyong haharapin. Ipagpatuloy ninyo ang paglalayag tungo sa landas na kayo mismo ang huhubog. | via Ron Aliel Ashley David, PLUMALAYA
#pluMALAYANGBOSES
Leave a Comment
Comments