back icon

The Forerunner


Rubber gate ng Bustos Dam nasira; residente sa tabing-ilog, pinag-iingat

Published: Mayo 01, 2025 | Category: Local News


News Image

Naglabas ng agarang paalala si Bustos Mayor Francis Albert Juan sa pamamagitan ng kanyang Facebook page ngayong araw, Mayo 1, matapos masira ang isa sa mga rubber gate ng Bustos Dam. Ayon sa alkalde, "LAHAT po ng nasa tabing ilog ay pinapaalalahanang maging alerto at pumunta po sa taas na lugar nasira po ang isang rubber gate sa Dam." Inaasahan ang biglaang pagtaas ng tubig sa ilog na maaaring magdulot ng panganib sa mga komunidad na malapit dito. Ang Bustos Dam ay isang mahalagang irigasyon at flood control facility sa lalawigan ng Bulacan Para sa mga karagdagang update, maaaring i-follow ang opisyal na Facebook page ni Mayor Francis Albert Juan at ng LGU Bustos. | via Kristine Eunice Bersabe, THE FORERUNNER #TheForerunner #UntiltheInkRunsDry

Leave a Comment

Comments