Laurel Super Variety Show 2025
Published: Marso 04, 2025 | Category: Campus Arts and Cultural Events
Noong ika- 28 ng Pebrero, matagumpay na naidaos ang Laurel Super Variety Show ng Publikasyong Laurel. Sa bawat awitin, sa bawat indak, sa bawat linya sa mga eksena na binigkas, damang-dama ang pagmamahal sa sining at ang diwa ng pagsasama-sama.
Ang Laurel Super Variety Show ay isa sa mga patunay na ang ating mga peryudista ay hindi lamang magaling sumulat at lumikha ng mga artikulo, ngunit may angking talento. Sa likod ng matagumpay na selebrasyon ay dahil sa dedikasyon, dugo't pawis ng mga ng mga Laurelian na nagsumikap upang maisakatuparan ang isang gabing puno ng saya at aliw—ang mga performer na buong tapang na sumabak sa entablado, ang production team na walang sawang nagtrabaho at nagpuyat, at sa aming mga manonood na nakisaya at sumuporta.
Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng LSVS 2025—mga guro, kaibigan, magulang, at lalo na sa aming mga tagasuporta at sponsors. Dahil sa inyo, mas naging makulay at makabuluhan ang gabing ito.
Nawa'y suportahan n'yo kami hanggang sa mga susunod pang LSVS, magsama-sama muli tayo! 💚
#LSVS2025
#PublikasyongLaurel
#SerbisyongMayIntegridad
Leave a Comment
Comments