Paguia-Dela Cruz, Pangungunahan ang Kampanya para sa Gobernador at Bise Gobernador ng KSM Meneses
Published: Marso 04, 2025 | Category: SGElections2025
Opisyal nang naghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang tambalang Paguia at Dela Cruz ngayong araw, Marso 4, para sa nalalapit na Student Government Election. Pinangunahan ni Karen Paguia na kasalukuyang Board Member ng BSBA, ang kanilang pagtakbo bilang Gobernador, habang si Russel Dela Cruz, na kasalukuyang Board Member ng HM, ang kaniyang magiging katuwang sa pagka-Bise Gobernador.
Kasama nila ang iba pang Board Members mula sa iba’t ibang departamento na handang ipagpatuloy ang kanilang paglilingkod sa mga mag-aaral. Kabilang dito sina Jeshur Gallo at Liam Sacdalan, mga Board Member ng College of Education (CoEd); Yoko D. Ota, Board Member ng BSIT; Pamela C. Gozon, Board Member ng BSBA; Nathalie Charr Villanueva, Board Member ng CPE; at Azumi Rizza Nachor, Board Member ng HM. Samantala, muling naghain ng kandidatura si Arhvhey Leonardo bilang Board Member ng BIT, na kaniyang kasalukuyang posisyon ngayong taon.
Bukod sa kanila, tumatakbo rin bilang Senador ng Meneses Campus ang kasalukuyang Board Member ng BSIT na si Danny Caingcoy.
Sa kabila ng mainit na sigla ng kanilang kandidatura, nananatiling malaking katanungan kung makakamit ba ng tambalang Paguia-Dela Cruz ang suporta ng nakararaming mag-aaral upang pangunahan ang Student Government ngayong taon.
Samantala, nananatiling tahimik ang BulSUone Meneses ukol sa petsa ng kanilang COC filing. Patuloy na naghihintay ang komunidad ng Meneses sa mga susunod na hakbang ng BulSUone Meneses upang malaman kung sino ang kanilang magiging kandidato para sa nalalapit na botohan.
Leave a Comment
Comments