back icon

Pacesetter News


Aprubado na ng Board of Regents (BOR) ang Grade Consultation Policy na ipinasa ng Office of the Student Regent (OSR) ng Bulacan State University (BulSU).

Published: Marso 21, 2025 | Category: Grade Consultation Policy


News Image

Aprubado na ng Board of Regents (BOR) ang Grade Consultation Policy na ipinasa ng Office of the Student Regent (OSR) ng Bulacan State University (BulSU) ayon sa isang anunsiyo nito sa Facebook ngayong Biyernes, Marso 21.


Layunin ng polisiyang ito ang maagap na pagpapakita ng midterm grades upang mabigyan anila ng pagkakataon ang mga estudyante na suriin at pagbutihin ang kanilang academic performance.


Binigyang-diin din sa patakaran ang tamang proseso ng feedback na ayon sa OSR ay nararapat maging “maagap, malinaw, patas, balanse, at nakatuon sa pagpapabuti ng pagkatuto.”


Sa isang panayam sa kasalukuyang Student Regent (SR) at Student Government (SG) President Queenie Quintero, inilahad nito na simula nang siya ay maupo sa puwesto ay kabi-kabilang reklamo patungkol sa grade transaprency ang kaniyang nasaksihan at inayos.


“Maraming nasirang pangarap at pagkakataon ang mga maraming estudyante sa mga nakalipas na taon dahil sa kawalan ng maayos na grade consultation. Sa clear guidelines na naipasa, hindi na mangangapa ang lahat kung paano ang magiging sistema,” aniya.


“May malinaw na mekanismo [na] at mas maayos na proseso [sa grade consultation],” dagdag pa ng presidente.


Samantala, mababasa rin sa partikular na bahagi ng polisiya na kailangang tiyakin ng administrasyon ng BulSU na naipatutupad ito at nakapagsasagawa ng regular monitoring alinsunod sa naibabang polisiya.


Nakasaad din dito na kapag hindi naresolba ang isyu ng isang estudyante sa kaniyang kolehiyo, kailangan itong iparating ng dekana sa Office of the Student Affairs para sa resolusyon. | via Alyana Castillo, PACESETTER


Basahin ang kopya ng polisiya: https://drive.google.com/file/d/1Zx4HaG6W0AlTHQ1yQLHR-EDafsKJrHNm/view


Para iba pang istorya, bisitahin ang website ng Pacesetter: medium.com/pacesetter
#Pacesetter
#OurSolidarityWillSetUsFree

Leave a Comment

Comments